DU30 nagdeklara ng SOMO sa NPA mula Disyembre 24 hanggang Enero 2

SA kabila ng naunang pahayag, nagdesisyon si Pangulong Duterte na magdeklara ng suspension of military operations (SOMO) sa New People’s Army (NPA) mula Disyembre 24, 2017 hanggang Enero 2, 2018 bilang pagdiriwang ng kapaskuhan.

“This unilateral ceasefire would lessen the apprehension of the public this Christmas season. We expect that the CPP-NPA-NDFP would do a similar gesture of goodwill,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ito’y taliwas sa naunang pahayag ni Roque na naninindigan ang gobyerno na hindi magdeklara ng SOMO dahil umano sa patuloy na pagI”-atake ng teroristang grupo.

“Christmas holds a special place in the hearts of our countrymen. In the observance of this occasion, we hope that all Filipinos would stand together as one nation and aspire for peace in our beloved Philippines,” ayon pa kay Roque.

Matatandaang idineklara ni Duterte ang NPA bilang isang teroristang grupo.

Niliwanag naman ni Roque na sakop lamang ng SOMO ang operasyon militar laban sa NPA

“Suspensions only pertains to combat operations,” paliwanag ni Roque. 

Read more...