K Brosas inakusahang may ghost writer; Pokwang umalma


SINUPORTAHAN ni Pokwang ang hinaing ni K Brosas tungkol sa nambibintang sa kanyang (K) may ghost writer siya sa sinulat na libro.

Idinepensa ni K ang sarili sa kanyang tweet na 2009 pa ay meron na siyang blog.

“Katawa naman, bakit may iba na nagtatanong o assume na may ‘ghost writer’ ang gumawa ng libro?

Anong sene non lalo na kung personal experiences ibang kuwento mo sa book? Hehe Uhm FYI lang po 2009 pa akomay blog na nilagay ko sa book ko. Yun lang po bow! Peace! Lablablab!” tweet ni K.

Pagtatanggol naman ni Pokwang sa kaibigan, “Hayaan mo na mga yan BFF!!! May ma uhog payan malayo pa sila sa karanasan at napagdaanan natin sa buhay!!! Dedma na! Hahahaha!”

Read more...