MARAMING pinasayang may bingot ang bida ng La Luna Sangre na si Kathryn Bernardo na ambassadress ng Noordhoff Craniofacial Foundation (NCF) of the Philippines, a treatment and support community for those kids afflicted with craniofacial and cleft palate patients.
Nakita namin ang video ng pa-Christmas party ng NCF with Kathryn in attendance kasama ang family niya at ang La Luna Sangre leading man niyang si Daniel Padilla.
Nag-perform ang ilang mga bata sa nasabing Christmas party na ikinatuwa ng magka-loveteam.
Sa interview ng ABS-CBN kay Malia, este, Kathryn, ay sinabi nitong may mga process na ginagawa sa mga batang may bingot.
“We have speech therapy, dental care para magtuloy-tuloy hanggang puwede sila ma-accept dito na parang katulad lang din nating lahat,” say ni Kathryn.
“Alam mo ang maganda sa foundation na ‘to, they’re very bubbly, happy na parang hindi nila wino-worry kung anong problem nila physically,” dagdag pa ng aktres.