Solenn, Nico magkahiwalay sa Pasko: Ok lang, I’m not selfish!

NICO BOLZICO AT SOLENN HEUSSAFF

KUNG may isang Kapuso star na talagang inuulan ng blessings ngayon, ‘yan ay walang iba kundi ang sexy actress na si Solenn Heussaff.

Imagine, kahit nag-asawa na, patuloy pa rin siyang binibigyan ng GMA 7 ng magagandang proyekto, bukod pa ‘yan sa mga product endorsements na natatanggap niya. Kahit kasi nagpapaseksi si Solenn ay napanatili niya ang kanyang magandang imahe sa publiko kaya patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng mga advertisers.

Isa pa rin si Solenn sa mga itinuturing na ultimate “It Girl” sa local showbiz kaya napakaraming umiidolo sa kanya bilang aktres, singer, painter, author, blogger, model at make-up artist. Kilala na rin ngayon ang kanyang asawang si Nico Bolzico dahil sa kanilang mga viral video na patok na patok sa mga magdyowa. Sila raw kasi ang perfect example ng #couplegoals at #marriagegoals.

Looking forward na nga raw si Solenn sa Christmas celebration nila ni Nico this year. Solenn admitted that she’s a true fan of Christmas. “I love Christmas! Christmas decorations, Christmas songs, I love it!
“Every year para sa akin, dapat masaya ang Christmas. I make sure na I spend time with family and we eat together. Para sa akin, pinakaimportant na nandoon kaming lahat as a family.”

Ito ang isa sa mga reason kung bakit si Solenn pa rin ang nananatiling celebrity endorser ng CDO Premium Holiday Ham. Until now ay wala pa ring pumapalit sa kanya sa nasabing TV commercial. Ibig sabihin, naniniwala pa rin ang CDO sa kanyang powers bilang product ambassador.

Naikuwento rin ng Kapuso actress na hindi kumpleto ang kanilang Pasko kung walang Holiday Ham at ipinagmamalaki niya ang kaibahan nito sa ibang brand. “Since it’s made of whole meat, it can be smoked in ham nets and it definitely has no extenders. Yung iba, molded lang siya sa iba’t ibang piraso ng pork. I hate extenders in food. But CDO Ham has absolutely no extenders.”

Dalawang taon nang endorser nito si Solenn at masaya siya na nakakapag-represent ng isang pagkain na gustong-gusto at pinaniniwalaan niya, “Ako talaga from the start I only endorse products that I believe in.”

Ngayong taong ito at tulad ng mga nagdaang Pasko, magse-celebrate si Solenn kasama ang kanyang immediate family, “Usually, every Christmas Eve, si Erwan (Heussaff, Solenn’s brother) ang nagluluto.

It’s just him, me, Anne (Curtis, her sister-in-law), my sister, my brother-in-law, very small lang kasi talaga kami. ”

q q q

Pero ngayong taon, darating daw ang kapatid niya mula sa Singapore. “And then siyempre, opening na ng gifts!”

Yun nga lang, Solenn will be missing someone special this year. Ang kanyang mister ay sa Argentina magse-celebrate ng Pasko kasama ang mga magulang nito.

“Dapat pupunta rin ako. It’s part of my duty rin as a wife. Pero nu’ng makita ko yung mga gagawin ko for next year, sabi ko kay Nico na it’s not yet time. May one week off ako, pero papuntang Argentina, 30 hours na yung trip. Not worth it na nandu’n lang ako ng four days,” pahayag ni Solenn.

“Okay lang naman sa amin kasi siyempre his family, nandu’n. And hindi naman ako selfish or possessive. Buong year nandito na siya sa akin. It’s just one month – every December,” dagdag pa ng Kapuso sexy actress.

One thing’s for sure, patuloy na hahataw ang career ni Solenn sa 2018. Meron siyang gagawing dalawang pelikula next year at going strong pa rin ang kanyang show sa GMA News TV na Taste Buddies at extended naman ang kanyang weekly game show sa GMA na All Star Videoke. Not to mention na mukhang may kasunod pa ang soldout “Kalsada Painting” exhibit niya na part of the proceeds ay napunta sa Kalipay Foundation. Bukod dito, plano rin ni Solenn na magbigay ng art lesson sa ilang abused children sa susunod na taon.

Isa pa sa nilu-look forward ni Solenn sa 2018 ay ang pagre-renovate ng magiging bahay nila ni Nico at bilang preparasyon na rin sakaling magkaroon na sila ng baby.

Sey nga ni Solenn, “Kapag may baby na kami, I think we really need to think we really need to be together na talaga especially on those special days.”

Read more...