Bossing: Ako ang niligawan ni Dawn…pero binasted ko siya!!!
BALITANG lahat ng nagiging leading lady niya sa telebisyon at pelikula ay nililigawan daw noon ni Bossing Vic Sotto.
Kaya sa nakaraang presscon ng MMFF 2017 entry niyang na “Meant To Beh”, natanong kung pinormahan din ba niya ang partner niya sa pelikula na si Dawn Zulueta. Nakasama niya ang award-winning actress noon sa TV series na Okay Ka, Fairy Ko! (dekada 90).
“Ako niligawan niya. Binasted ko siya!” ang birong-hirit agad ni Bossing.
Sagot naman ni Dawn, “Alam n’yo ang daming nagtatanong niyan sa akin, ‘Hindi ka ba niligawan ni Vic Sotto?’ Nag-cross nga sa mind ko, ‘Bakit?’
“‘Kasi lahat ng leading lady niya, nililigawan niya.’ Na-insecure ako. Hindi naman ako niligawan. Parang wala naman ata akong naramdaman,” pahayag ng aktres.
Mariing sinabi ni Vic na wala siyang niligawan sa tatlong female celebrities na gumanap bilang Faye sa Okay Ka, Fairy Ko!, “Wala naman akong niligawan du’n. Nagsimula ako kay Alice Dixson, Tweetie de Leon, at finale ko, siyempre bigatin, si Dawn Zulueta. Biruan lang ‘yun.”
Kuwento ni Dawn, pareho naman silang walang dyowa noon ni Vic nang magsama sila sa nasabing comedy-fantasy series pero wala naman daw ligawan na nangyari, “Oo, dalaga pa ako at I was starting to date Anton,” sey pa ng aktres na ang tinutukoy ay ang kanyang asawang si Davao del Norte Second District Rep. Anton Lagdameo.
Sabat naman ni Bossing, “Ako rin, marami akong ka-date noon. Hindi naman porke leading lady mo, pe-pursue mo. It takes more than that. Siguro at that time, busy na siya. Busy rin ako sa mga activities ko, sa mga ginagawa kong kemerut! At that time, we were really not ‘meant to beh!”
Pero diretsong inamin ni Dawn sa presscon ng “Meant To Beh” na crush na niya talaga noon pa si Vic na napapanood daw niya noon sa Eat Bulaga, “Lumaki po ako na pinapanood ko po ay Eat Bulaga. Nu’ng medyo bata pa ako, crush ko na talaga si Bossing. Mga 12 ako. Naging crush ko siya doon.”
Tinanggap ni Dawn ang “Meant To Beh” dahil gusto naman niyang mag-try ng bago, naumay na raw kasi siya sa pagdadrama na paulit-ulit niyang ginagawa nitong mga nakaraang taon sa telebisyon at pelikula.
Bukod dito, na-excite siya na maktrabaho uli si Vic after so many years, plus the fact na kasali pa ito sa MMFF 2017.
“Actually, it’s a big honor to be paired with Bosing Vic on a grand movie presentation like ‘Meant to ‘Beh’. For a time, I played the role of Faye in Okay Ka Fairy Ko. It was short-lived though and after that, there wasn’t any chance for us to do another project once again. That’s why I’m thrilled because for sure, the viewing public will find our screen pairing exciting since it is fresh.”
Hirit naman ni Bossing, “I think the freshness of the material is a strong factor. Pampamilya ito and personally, I’m excited to do a genre like this. For a change, it’s not a fantasy material with special effects. Sigurado ako na makaka-relate ang lahat sa mga karakter namin sa movie. It’s the perfect movie date for all the families come Christmastime.”
Makakasama rin sa “Meant To Beh” sina Daniel Matsunaga, Andrea Torres, Sue Ramirez, Ruru Madrid, JC Santos, Gabbi Garcia at ang millennial child wonder na si Baeby Baste, mula sa OctoArts, APT Entertainment at M-Zet TV Productions. Ito’y sa direksyon ni Chris Martinez.
q q q
Kinunan naman ng reaksyon si Vic Sotto sa sinabi ni Vice Ganda na kine-claim na niyang aabot sa P1 billion ang kikitain ng entry nila sa MMFF 2017 na “Gandarrapiddo: The Revenger Squad.”
Posible nga bang kumita ng P1B ang isang entry sa filmfest? “Mathematically, it’s impossible. As a whole, pwede. Baka ‘yun ang sinasabi ni Vice. For the entire (MMFF), hindi ‘yung pelikula lang niya,” diretsong tugon ni Bossing.
Para kay Vic, hindi na raw siya nagpapa-pressure pagdating sa pagiging number one sa takilya tuwing sasapit ang MMFF, “Number one, hindi ko na iniisip ‘yun, eh. Sa tagal ko na sa festival, ang iniisip ko lang eh, maraming manood sa mga pelikulang kalahok this year,” sey pa ng comedian.
Samantala, puring-puri naman ni Vic si Baeby Baste sa ipinakita nitong akting sa kanilang pelikula.
Bibigyan daw niya ng mataas na grade ang bagets dahil kahit unang sabak pa lang nito sa aktingan ay bonggang-bongga nitong nagawa ang kanyang mga eksena.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.