Matapos ang pambobomba, nakasagupa ng ground troops ang BIFF dakong alas-2 ng hapon, at patuloy pa umano ang bakbakan alas-5, sabi ni Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato provincial police, gamit bilang basehan ang impormasyong nakarating sa kanyang tanggapan.
Sa isang kalatas, sinabi ng Armed Forces Joint Task Force Central na isinagawa ang air strike at ground operations laban sa grupo ni Esmael Abdulmalik alyas “Abu Turaife” sa Brgy. Tonganon.
“The operation was conducted to weed out the terrorist group and to free communities from the terror menace brought about by the BIFF,” anang task force.
“All safety procedures were undertaken… The targeted areas are far from the local communities,” sabi pa ng JTF Central.
Ayon kay Tayong, nagsimula ang air strike dakong alas-3, sa masukal na bahagi ng Tonganon.
“After an air strike was conducted, it was followed by artillery fires coming from government forces,” aniya, sabay dagdag na matapos iyo’y nagpadala ng ground troops para magsagawa ng clearing operation.
Sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng ground troops at BIFF sa Sitio Misalan, Brgy. Tonganon, pagsapit ng hapon, ani Tayong.
Nagsagawa na rin ng air strike at artillery shelling ang mga tropa ng pamahalaan laban sa grupo ni Abdulmalik sa Carmen noong Nobyembre.
Di pa makumpirma kung may napatay sa mga naunang operasyon, pero inulat ng militar na nakubkob nito ang isang kuta ng BIFF.
Matatandaan na dahil sa mga naunang operasyon ay may nagsilikas na mahigit 2,000 residente. (John Roson)
– end –
MOST READ
LATEST STORIES