Nasugatan ang bus driver na si Dennis Versola at 12 niyang pasahero, pati ang truck driver na si Ramil Yepes at kanyang pahinante, sabi ni PO1 Roel Arot, imbestigador ng Pinabacdao Police.
Naganap ang insidente dakong alas-12, sa bahagi ng National Highway sa Brgy. Pahug na iniwang sira at madulas ni “Urduja,” sabi ni sa told BANDERA.
Sumalpok ang 10-wheeler truck (RKK-806) ng Malaguicay Enterprises sa biyaheng-Tacloban City na unit ng Samar Bus Line (HAK-659).
Sakay noon ng bus ang 20 pasahero habang ang trak ay may kargang “river mix,” o mga bato na gagamiting panambak sa mga kalsadang sinira ng bagyo, ani Arot.
“‘Yung bus going to Tacloban. Nandoon siya sa sirang lane so lumipat siya sa kabila at nakapasok na siya. ‘Yung truck, papasok pa lang sa lane at dapat mag-give way,” aniya.
“Nag-stop naman ‘yung truck at pag-apply ng driver ng break, kumagat naman, pero nag-slide pa rin ‘yung truck kasi sa bigat ng karga at madulas ang kalsada dahil basa at may putik, may nagre-repair pa nga doon na mga taga-DPWH,” ani Arot.
Dahil sa impact ay tumagilid ang trak, habang ang bus ay nahulog sa tinatayang 1-metrong lalim na road shoulder, aniya.
Walang nagtamo ng matinding pinsala, pero dinala ang mga sugatan sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban, ani Arot.
MOST READ
LATEST STORIES