CA pinagtibay ang 40 taong pagkakabilanggo vs Ivler

PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) na nagpapataw ng 40 taong pagkakabilanggo kay Jason Ivler kaugnay nangyaring pagpatay sa anak ng isang dating opisyal ng Malacañang noong 2009.

Sa 32-pahinang desisyon na isinapubliko kahapon, kinatigan ng CA 14th division ang naging desisyon ni QCRTC Branch 84 Judge Luisito G. Cortez matapos mapatunayan si Ivler na guilty sa kasong murder.

Ipinataw ng korte ang habambuhay na pagkakabilanggo o hanggang 40 taong pagkakakulong kay Ivler, bukod pa sa ipinataw na P9,124,164 milyong danyos para sa pamilya ng biktima na si Renato Ebarle Jr.
“The heirs of the deceased are entitled to indemnity for loss of earning capacity which the RTC correctly computed using the victim’s last remuneration, as testified to by his former employer,” sabi ng CA.
Matatandaang binaril ni Ivler si Ebarle Jr., anak ni dating Malacañang undersecretary Renato Ebarle Sr. matapos ang away trapiko noong Nobyembre 2009.

Read more...