DavOr niyanig ng magnitude 4.4 lindol

    Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.4 ang Davao Oriental kaninang hapon.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4:15 ng hapon.
    Ang sentro nito ay 29 kilometro sa silangan ng bayan ng Baganga. May lalim itong 22 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
    Naramdaman ng instrumento ng Phivolcs ang Intensity I sa Bislig City.

Read more...