GAYA nang paulit-ulit na sinasabi ng mga doktor lahat ng sobra ay masama sa katawan. At ngayong Kapaskuhan ay siguradong marami na namang kainan ang mapupuntahan.
Hindi naman ipinagbabawal ang pagkain ng makolesterol at matatamis na pagkain, huwag lang sosobrahan na parang huling kain mo na. Yung iba naman namomroblema sa kanilang waistline pagkatapos ng Christmas session dahil nagsikipan ang kanilang mga damit.
Bago pa sumabak sa mga kainan ay naririto ang ilang tips bago ka lumafang.
Gutom
Ang ginagawa ng iba, pinaghahandaan ang pupuntahang kainan. Hindi na nag-agahan, hindi pa magtatanghalian para marami raw makain sa party na gabi pa naman mangyayari.
Ang nangyayari tuloy, sobra-sobra ang kinakain. Dahil nagutuman ka malamang ay maging acidic ang sikmura mo. Mangangasim ang sikmura mo kaya hindi mo rin mae-enjoy ang pagkain.
Dahil nga iniisip mo na gutom na gutom ka na, minsan ay hindi mo na alam ang lasa ng kinakain mo. Nagmamadali ka lang na mapuno ang tiyan mo.
May mga tao naman na umiinom muna ng tubig 30 minuto bago kumain. Sa ganitong paraan, magiging stable na ang tiyan at hindi acidic. Mas mabilis matunaw ang pagkain kapag mataas ang acid sa tiyan kaya mas mabilis na magutom.
Isa sa pinakamainam na gawin bago magtungo sa anumang kainan ay mag light snack muna nang sa ganon ay hindi ka umober sa kain pagdating sa party.
Ngumuya and enjoy your food
Nguyain mo naman mabuti ang kinakain mo; namnamin ang sarap ng bawat isinusubong pagkain.
Ang mabilis na paglunok ng pagkain ay nagpapatagal para mairehistro ng iyong katawan na busog ka na, sobra-sobra na ang iyong nakain.
Kapag hindi mo rin nginunguyang mabuti ang iyong pagkain ay mahihirapan din ang i-yong tiyan na tunawin ito.
Sa pag-aaral, luma-labas na 20 minuto ang kinakailangan para mairehistro sa utak na puno na ang tiyan. Kaya kung mabilis kang kumain ay baka nasusuka ka na sa busog bago ka masabihan ng utak mo na tama na.
Timbang
Kung conscious ka sa iyong timbang ay maganda kung ang mga pagkain na high in protein ang iyong kainin. Manok ang numero u-nong handa na pwedeng-pwede sa iyo.
Huwag mo na lang sabayan ng santambak na kanin at sangkaterbang sauce o gravy.
May mga tao na i-naalis pa ang balat ng manok para makaiwas sa kolesterol.
Okay rin ang mga pagkain na mataas ang fiber content. At mas matagal din itong matunaw ng tiyan kaya mas matagal ka bago muling magutom.
Plato
Kung makakapamili, ang kunin mong plato ay yung maliit. Huwag yung bandehado.
Sa ganitong paraan, hindi masyadong marami ang makukuha mo at hindi masasayang sakaling hindi mo pala gusto ang lasa.
Kapag malaki kasi ang plato, malamang ay maparami ang kuha ng pagkain.
Kolesterol
Karaniwan na sa mga handaan ang litson. Hindi pinagbabawal ang pagkain nito pero hinay-hinay lang.
Mga dalawang hiwa na kasing laki ng pospuro ay okay na. Ang iba ay natatakam lang at ang kailangan lang ay malasahan ito ay ayos na.
Sa mga hindi naman makakaiwas sa malutong na balat, huwag namang punuin ng balat ng litson ang iyong plato. Mag-share sa iba!
Meron din namang good cholesterol na makakain na nakukuha sa isda kaya isama ito sa i-yong kukunin.
Hindi rin dahil seafood ay ligtas na sa kolesterol. Maraming lamang-dagat na mataas ang cholesterol gaya ng hipon at crabs. Kung mataas na ang cholesterol mo, huwag mo ng i-challenge ang sarili mo at ikaw din ang talo.
Alak
Palaging magtira ng pang-uwi. Pwedeng uminom pero dapat alam mo ang iyong limitasyon.
Kung iinom ka, dapat hindi ka magmaneho pauwi. Tandaan na ang drunk driving ay hindi isang traffic violation kundi isang criminal offense, kaya kulong ka kapag nahuli ka.
Hindi rin naman maganda kung maaaksidente ka at burol mo na ang kasunod ng party. Nakakaawa rin naman ang iba na maaaksidente mo.
At hindi rin naman maganda kung sa ospital ka magpapasko. Nagastusan ka na, nasaktan ka pa.
Yung mga pumilit naman sa iyong uminom at nangangantyaw kasi ayaw mo, hindi naman sila ang mahihirapan kapag naaksidente ka.
Baso
May pag-aaral na nagsasabi na mas marami kang naiinom kapag mababa at malapad ang baso.
Kaya ang suhestyon, pumili ng baso na matangkad pero payat.
Para mas konti ang mainom mo lalo na kung alak. Huwag ding tungga nang tungga na parang nakikipag-unahan sa pag-inom, maliban na lamang kung kasali ka sa drinking contest.
Prutas
Bukod sa leche flan at buko pandan, baka meron ding prutas sa handaan na iyong pupuntahan.
Maganda kung ito na lamang ang iyong kakai-nin para healthy.
Mas mabilis ka ding mabubusog kapag ang mga matubig na prutas ang iyong kakainin.
Tubig
Huwag kakalimutan na uminom ng tubig. Si-guradong babaha ng softdrink at juice pero huwag pa ring kakalimutang uminom ng tubig.
Kadalasan na matamis ang mga inumin sa party kaya banlawan ang iyong lalamunan ng tubig.
May pag-aaral na nagsasabi na uminom ng tubig bago matulog para mabawasan ang tyansa na atakehin.
Kung uminom ka ng alak ay maganda rin na uminom ng uminom ng tubig para mailabas agad ng katawan ang alkohol.
Puyat
Kung may lakad ng maaga kinabukasan, huwag masyadong magpagabi.
Bagamat masaya ang makipag-party, huwag kakalimutam ang mga responsibilidad kinabukasan.
Kung kulang ang oras ng tulog mo, baka hindi ka mapakinabangan kinabuksan kaya mababalewala rin ang iyong page-enjoy kung ikaw din naman ang mamomroblema pagkatapos.
Ang hirap pa naman kung puyat ka na stress ka pa.