SA pagbabalik niya sa industriyang una niyang minahal, muling gagawa ng marka ang magaling na OPM singer na si John Melo.
Masayang-masaya si John dahil kahit na nawala siya pansamantala sa mundo ng musika, mainit pa rin ang pagtanggap ng mga Pinoy sa kanya. Patuloy pa rin suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang fans kahit mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas.
Mula sa Amerika, umuwi ng Pilipinas si John para makapagbakasyon at makasamang muli ang pamilya at mga kaibigan na matagal nang naghihintay sa kanyang pagbabalik. Isi-nabay na rin niya ang pagpo-promote sa bago niyang Christmas song, ang “Malapit Na Ang Pasko” na isa sa mga most requested song ngayon sa mga radio station.
“Happy ako kasi nagustuhan ng mga kababayan natin ang bago kong Christmas song. Saktung-sakto kasi ito sa holiday season lalo na sa mga kababayan nating mga OFW at sa mga pamilya nila dito sa Pinas,” pahayag ng 1993 Awit Awardee (Best Performance For A New Male Artist para sa kantang ‘Hanap-Hanap Kita’).
Nananatili sa unang pwesto ang Pamaskong a-witin ni John Melo sa mga rehiyon ng Mindanao at Visayas simula nang patugtugin ito ng ikatlong linggo ng Oktubre.
Samantala, agad naman itong pinatugtog sa mga pi-ling istasyon ng radyo ma-tapos ang Undas kaya pagpasok pa lang ng December ay hit na hit na ito sa madlang pipol.
Kaya ganoon na lamang ang pasasalamat ni John sa kanyang mga kababayan na patuloy na pinapakinggan hindi lamang ang kanyang bagong Christmas song kundi pati na rin ang kanyang mga lumang hit singles noong ‘90s kahit siya ay naka-base na sa Amerika.
“Pangarap kong magkaroon ng Christmas song noon pa. Kaya talagang gumawa ako para pagbalik ko dito sa atin may regalo ako sa mga kababayan natin ngayong Pasko,” sabi pa ni John na umaasang tulad ng “Christmas In Our Hearts” ni Jose Mari Chan ay ma-ging bahagi na rin ng Paskong Pinoy ang “Malapit Na Ang Pasko”.
Sa loob ng dalawang dekada, tinuon ng returning singer ang kanyang atensyon sa pagnenegosyo. Katuwang niya ang kanyang asawa na si Dr. Precilyn Silvestre-Melo sa pagma-manage ng kanyang dalawang dental office sa California.
Bukod dito, certified real state planner din si Melo na may negosyo ring e-commerce at call center. Balak rin niyang magtayo ng sariling online radio at entertainment website na naka-focus sa mga bayaning OFW.
Nag-iikot ngayon sa iba’t ibang radio station si John Melo upang personal na magpasalamat sa kanyang loyal fans. Plano rin niyang maghanda ng isang simpleng reunion kasama ang kanyang mga kaibigan sa industriya tulad nina Vehnee Saturno at Manny Pacquiao.