Andrea tinawag na malandi, retokada, feelingera ng laiterang fan ni Marian

ANDREA TORRES AT MARIAN RIVERA

ONE basher, @juasdweras, bashed Andrea Torres on Twitter.

“In case na wala pang nagreremind sa ‘yo. Reremind na kita. Malandi ka, ‘di ka maganda. Wag kang feelingera, Hindi ka si @marianrivera!

“Pa-close ka kay Ms. Rita Avila na nanay-nanayan ni Marian. Diyos ko dai yung ganda ni Marian walang retoke hindi katulad mo na kailangan pa dumaan sa salamat doc at makapal na makeup para gumanda lang!

“Gets mo na ha, puro close up lang d mo nakita siguro yung video ni Marian yung video niya bts post ni Mark Nicdao ang ganda girl ang layo sa retokada mong ganda! Ka ilang anggulo lol!” message ni @juasdweras.

“Remind lang din kita, wala akong pakialam,” sagot naman ni Andrea.

Obviously, isang Marian fan ang basher ni Andrea.

Teka, remind lang din kita @juasdweras, ‘yung idol mo ang daming nakaaway sa showbiz.

Resibo? Eto, oh: “Naikuwento ko lang na excited akong makasama si Dingdong (Dantes) sa isang project, du’n na po siya (Marian Rivera) nagsimulang magalit.

“Sinugod niya ako sa kuwarto ng dalawang beses at kung anu-ano ang mga sinasabi niya. Nakakatakot.

Ako kasi… pinagbabantaan na niya ako na isang text lang daw niya sa mga fans niya, papatayin na daw ako ng mga iyon. Du’n talaga ako sobrang natakot.”

‘Yan ang say ni Heart Evangelista na lumabas sa isang newspaper noong July 22, 2011.

At saka, eh, ano naman kung retokada si Andrea? Bakit big deal sa iyo ‘yon. Kung galit ka sa artistang nagpaparetoke, dapat mas magalit ka sa mga nagreretoke, istupida!!!

Read more...