Female personality inirap-irapan ni politician nang muling magkita


BLIND item na parang hindi rin.

Asang-asa ang isang sikat at may-edad nang female personality na magiging “fruitful” ang kanyang pag-attend sa isang malaking pagtitipon kamakailan.

Present din kasi sa okas-yong ‘yon ang ilan sa mga may-sinasabi sa lipunan kahit wala silang gaanong kunek sa mundo ng showbiz.

Puntirya kasi ng bida sa kuwentong ito ang isang rich widow, “Naku, kung sino pa ‘yung pag-asa ko, eh, wala!”

Her hope didn’t falter though. Meron din kasing ‘di hamak na mas malaking pigura roon, in fact, a former politician.

Kung may boses lang ang text message niya, we ima-gined ourselves watching a film in full sensurround, “Naku, inirap-irapan nga niya ako, ‘no!”

Pabirong reply namin, “Eh, kasi naman, hindi raw siya ang ibinoto mo (but his opponent in the same position). Pinabuksan niya ‘yung ballot box sa Comelec, du’n nabuking na hindi pangalan niya ang binilugan mo.”

Dahil NBL (Nganga, Bigo, Luhaan) siya, umuwi na lang daw siya sa bahay, wa na gora sa lafangan portion after the main event, “Ang layo, ha?!”

Read more...