Ayon sa PAGASA ang bagyong Urduja mula sa pagiging tropical storm ay ibinaba ang kategorya ng bagyo sa tropical depression.
Pero magpapatuloy ito sa pagbuhos ng malakas na ulan sa katimugang bahagi ng Quezon, Batangas, Mindoro provinces, Marinduque, Romblon at hilagang Palawan kasama na ang Cuyo at Calamian Group of Islands.
“Residents of these areas must undertake appropriate measures against flooding and landslides and coordinate with their local disaster risk reduction and management offices,” saad ng advisory ng PAGASA.
Unti-unti naman umanong gaganda ang panahon sa Bicol at Visayas.
Kahapon ang bagyo ay nasa kalupaan ng Mobo, Masbate. May hangin ito na umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 90 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat pras patunging kanluran-timog kanluran.
Itinaas kahapon ang signal no. 1 sa katimugang bahagi ng Occidental Mindoro at Oriental Mindoro, Romblon, Sorsogon, Masbate kasama ang Burias at Ticao islands, hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Cuyo at Calmian group of islands.
Isa namang tropical depression ang binabantayan sa labas ng PAR. Ito ay nasa layong 1990 kilometro sa silangan ng Mindanao. May hangin ito na umaabot sa 40 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 50 kilometro bawat oras.
MOST READ
LATEST STORIES