Palasyo tiniyak ang tulong sa mga apektado ni ‘Urduja’ ngayong kapaskuhan

 

TINIYAK ng Palasyo na nakahanda ang mga kaukulang ahensiya para tumugon sa mga pangangailangan ng mga lugar na apektado ng bagyong Urduja sa kabila ng kapaskuhan.

Sinabi ni Presidential Spkesperson Harry Roque na patuloy na nakamonitor ang Department of National Defense, sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC) at Office of Civil Defense.

“Vital services, such as preparedness and response to disasters or calamities shall continue with their operations even during holidays,” sabi ni Roque.

Idinagdag ni Roque na sapat din ang relief goods ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa isinasagawang relief operations sa iba’t ibang apektadong lugar.
“DSWD-OIC Secretary Emmanuel Leyco assured that his agency has a stockpile of 368,000 family food packs worth P223 million, food and non-food items worth P393 million and available standby funds amounting to P245 million,” ayon pa kay Roque.

Read more...