Awra sa sagupaan nina Vice at Coco sa MMFF: Magpakatotoo na tayo!

AWRA BRIGUELA

DAHIL nakachikahan na rin namin ang halos lahat ng major cast members ng movie, hindi namin pinalampas itanong kay Awra Briguela ang tungkol sa entry naman ng kanyang Ate Vice Ganda.

Sey ng bagets, “Siyempre po magpapakatotoo ako. Uunahin ko po at ng pamilya ko ang ‘Panday’. Simply because movie namin ito, at first time akong mapapanood dito ng mga tao na may ibang ginawa bukod sa pagpapatawa.”

Hindi raw niya alam kung kailan niya papanoorin ang movie ni Vice dahil sa dami ng promo schedules nila before and after Christmas. Basta alam naman daw ng Ate Vice niya na susuportahan din niya ang entry nito.

Sa “Ang Panday” nga ay bukod tanging ang eksena ni Awra lang ang binigyan ng dramatic moment ni direk Coco.

Sa eksena lang na yun umiyak ang aktor-direktor kaya’t proud na proud si Awra sa proyektong ito.

Read more...