Coco inatake ng nerbyos habang pinanonood ni Susan Roces ang ‘millennial version’ ng ‘Panday’

COCO MARTIN AT SUSAN ROCES

LITERAL na “pasabog” ang naganap na press at celebrity screening ng “Ang Panday” ni direk Rodel Nacenciano a.k.a. Coco Martin.

Lahat na yata ng mga nakatrabahong artista ni Coco sa pelikula at teleserye ay sumuporta sa pelikula nila na isa sa official entry sa 2017 MMFF. Nagkakaisa rin sa pagsasabi ang mga nakapanood na ng “Panday” na ginastusan ito nang bonggang-bongga.

Sey nga ni Coco during our interview with him, “Hindi ko pa po talaga inisip ang gastos. Bilang isa rin sa producers, sinabi ko na lang sa co-producers ko (Star Cinema at Viva Films) na hayaan muna nila ako. Ako na muna.”

In high heavens ang magaling na aktor sa mga papuri na kanyang narinig at tinanggap about his first directorial job, pero ang pinaka-espesyal para sa kanya ay ang magagandang komento ni Manay Susan Roces, ang kabiyak ng orig na Panday na si Da King Fernando Poe, Jr.

“Sa kanya talaga ako ninerbyos Kuya Ambet. Kinabahan ako sa magiging reaksyon niya. Marami kasi kaming mga binago sa orihinal na pelikula at kuwento ni direk Carlo Caparas para maiangkop sa bagong panahon para ma-appreciate ng lahat – bata, matanda, nanay, tatay, mga kaibigan natin mula sa LGBT community.

Salamat at nagustuhan ng aking lola Susan,” dagdag pa ni Coco.

Kasama ni Coco sa movie sina Ms. Gloria Romero, Jaime Fabregas, Mariel de Leon, Kylie Versoza, Jake Cuenca, Eddie Garcia, Albert Martinez, Carmi Martin, Dennis Padilla, Agot Isidro, Jhong Hilario, Awra Briguela, Onyok Pineda at marami pang iba.

Hindi na kami magugulat kung maging number one agad sa opening ng MMFF on Dec. 25 ang “millennial version” ng “Panday”. Congrats direk Coco!

Read more...