Pekto, Becki Below, Phillip Lazaro may ‘Joke Battle’ sa Sarap Diva


ISA na namang espesyal at super yummy na Saturday morning ang matutunghayan sa favorite n’yong cooking show with a big twist sa GMA, ang Sarap Diva.

Abangan ang isang umagang puno ng halakhakan kasama ang mga pambatong komedyante ng bansa, sina Pekto Nacua, Phillip Lazaro, Beki Below at Vincent. Idagdag pa ang kakulitan at kakikayan ni Inday Teri.

Humanda na sa nakakatawa, nakakaloka at riot na “Joke Battle” kung saan magtatagisan ng galing sa pag-punchline ang mga bisita ng nag-iisang Songbird na si Regine Velasquez.

Tiyak na sasakit ang tiyan n’yo da katatawa sa mga baong pasabog ng apat na bisita ni Ate Regs.

Plus, matuto rin kung paano gumawa ng Chicken Rapsa Wrap. Sounds masarap, diva? Pwedeng-pwede n’yo itong pag-aralan para idagdag sa inyong Noche Buena.

Kaya abangan lahat yan ngayong Sabado sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila sa GMA 7 lang.

Read more...