Derek niregaluhan ng gadget ang anak na nagkakahalaga ng P100K | Bandera

Derek niregaluhan ng gadget ang anak na nagkakahalaga ng P100K

Reggee Bonoan - December 15, 2017 - 12:55 AM

DEREK RAMSAY AT AUSTIN

ABOT-TENGA ang ngiti ni Derek Ramsay nang dumating siya kasama ang girlfriend na si Joanne Villablanca at anak nitong si Austin (kararating lang galing Dubai) sa press preview ng pelikulang “All Of You” na entry ng Quantum Films, MJM Productions sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Sobrang proud si Derek na ipakilala sa ilang entertainment press ang binatilyong anak na kamukhang-kamukha raw niya nu’ng magkasing-edad sila.

“He looks like me when I was his age, ganyan ako kapayat no’n,” masayang sabi ng aktor. Sinabi nga namin na carbon copy niya ang bagets pero kanino nakuha ang buhok na kulot? “Sa akin din, kulot ako, kaya nga hindi ako nagpapahaba ng buhok,” say ng aktor.

Huling nakasama raw ni Derek ang anak noong December, 2015 at hindi nga niya inakala na magkakasama sila ngayong Pasko dahil akala niya ay paso na ang passport ng bagets.

“His passport’s gonna expire August next year, so puwede pa siyang umalis and they were able to schedule an appointment for his renewal sa Dubai na kasi dito ang haba ng pila, ayokong sumingit.

Austin will be here ‘til January 7,” masayang sabi ng aktor.

Kahapon ay lumipad patungong Bukidnon (Malaybalay at Valencia) si Derek kasama ang anak para sa opening ng Dunkin’ Donuts branch kung saan siya ang endorser.

“He (Austin) says, he gonna beat me in basketball, so we’ll see. We’re gonna play basketball later after the preview,” saad pa ng aktor.

Dagdag pa, “Akala ko nga hindi ko ulit makakasama ngayon kasi nga last year wala, e, biglang siya pa ang nag-text sa akin at sinabing, ‘Am I gonna spend Christmas with you?’ Sabi ko, yes of course.”

Ayon pa kay Derek ay mahilig din daw sa sports si Austin, “Gusto niyang mag-golf ngayon, naglalaro siya ng basketball, naglalaro siya ng football pero ang kakaiba sa amin, ang hilig niya sa computer kaya gusto kong tigilan.”

Tinanong namin kung gusto rin ng bagets ng Frisbee na paboritong laro ni Derek, “Hindi pa niya napapasukan ang Frisbee (sabay baling sa anak), ‘Do you wanna play Frisbee or basketball?’” Na sinagot naman ni Austin ng, “Anything.”

Samantala, sobrang excited daw si Derek dahil ang dami na raw pumupuri sa kanya sa pelikula nila ni Jennylyn, e, hindi pa niya napapanood.

“Kaya gusto kong mapanood kasi ang daming compliments, ang daming nagko-congratulate sa Team, sa akin, so I really, really want to see kung ano ‘yung napanood ng mga nakakita,” anang aktor.

***

Inalam din namin kung ano ang tawag ni Austin sa girlfriend ni Derek ngayon, “Tita Jo, na-meet na rin niya ‘yung daughter ni Joanna, magkakasama kami mamayang gabi kaya masaya ito. Si Sofie 10 years old na at matangkad. Tito ang tawag sa akin, makulit din or buwisit kasi lagi ko siyang kinukulit.

“It’s a great relationship with Sofie kasi nagkukulitan kami kapag natutulog ako at nasa bahay siya ng umaga pupunta ‘yun sa kuwarto ko at mangungulit na,” kuwento pa ng aktor.

At ang hiningi raw na regalo ni Austin sa ama ngayong Pasko, “Mahilig siya sa laptop kaya binigyan ko siya ng alienware na sobrang hi-tech na laptop pang-gaming at bitbit-bitbit nga niya kanina sa eroplano parang anak niya na ayaw bitawan. It’s bigger than him, it’s so big, I said, ‘do you want a Mcbook pro?’

Sabi niya, ‘no, I want this one.’ Hindi ko nga alam kung ano ‘tong Alienware (Dell) na ito, pagtingin ko, ang mahal (less than P100,000),” kuwento ni Derek.

Sa Maynila raw magpa-Pasko sina Derek dahil nga dadalo siya sa MMFF Parade of Stars at pagkatapos ng awards night ay saka sila pupunta sa resthouse ng aktor sa Palawan at doon sila magnu-New Year.

Samantala, habang pinapanood namin ang “All Of You” ay parang hindi naman umaarte si Derek, parang true-to-life story niya ang kanyang ginampanang papel bilang si Gab.

“The script really hit me and the writer inspired me and add so much more from my life,” saad ng aktor.

Inamin din naman ni Derek na may mga eksenang naka-relate siya lalo na kapag may away sila ni Gabbi (Jennylyn). Hindi niya ikinaila na naranasan na rin niya ang ilang eksena sa “All Of You” in real life.

Malaki raw ang laban ni Derek sa pagka-Best Actor ng 2017 MMFF dahil mahusay naman talaga siya at gayun din si Jennylyn for Best Actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “All Of You” ay mapapanood na sa Dis. 25 mula sa direksyon ni Dan Villegas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending