Susan Roces, Grace Poe inalala ang 13th death anniversary ni Da King

FERNANDO POE, JR. AT SUSAN ROCES

PINANGUNAHAN ng mag-inang Susan Roces at Sen. Grace Poe ang pag-alala sa 13th death anniversary ni Fernando Poe, Jr. kahapon.

Matapos ang isang misa, nagkaroon ng gift-giving sa mga batang nandoon bilang maagang Pamasko ng mag-ina. Dec. 14 nang bawian ng buhay si FPJ sa edad na 65.

Hanggang ngayon, si FPJ pa rin ang itinuturing na Hari ng Pelikulang Pilipino at wala nang puwedeng pumalit sa kanya. Hindi pa siguro ipinapanganak ang maaaring pumalit sa kanyang trono pagdating sa naging achievements niya sa movie industry.

Read more...