MRT nasira na naman

Muling nasira ang Metro Rail Transit Line 3 kaninang umaga.
Alas-8:18 ng umaga ng pababain ang mga pasahero ng tren sa GMA Kamuning station south bound.
Pinapunta ang tren sa depot upang ayusin.
Ang mga pasahero namang pinababa ay nakipagsiksikan sa sumunod na tren. Ilang tren din ang hindi nagsakay sa North Avenue station south bound dahil napupuno ito ng husto at wala ng masakyan ang mga daraanan pang istasyon.
Noong Martes ay apat na beses nasira ang tren ng MRT.

Read more...