Natagpuang patay sina Ruby Gamos, 34, at anak na babae na si Shaniah Nicole, 7, sa loob ng kanilang bahay sa Kensington, Barangay Navarro noong Martes. Namatay si Gamos matapos paluin sa ulo samantalang sinakal naman si Shaniah Nicole.
“Malaki ang posiblidad kasi paano siya nakapasok doon sa subdivision,” sabi ni Tafalla.
Idinagdag ni Tafalla na natagpuang bukas ng hipag ni Gamos na si Karen Bongalos, ang likurang pintuan ng bahay nang pumasok sila ng bahay kasama ang isang guwardiya ng subdivision.
Ayon pa kayTafalla, mahirap buksan ang likurang pintuan ng bahay dahil nakadugtong ito sa ibang unit ng subdivision.
Sinabi pa ni Tafalla na malapit lamang ang bahay sa guardhouse at istrikto ang mga ito sa mga bisita.
“Hindi basta nakakapasok doon, kailangan mag-iwan ng ID,” ayon pa kay Tafalla.
Ani Tafalla wala ring rekord sa logbook ng guwardiya kaugnay ng mga bisita ng mga Gamos.
“Lahat ay suspect dito sa ngayon,” sabi pa ni Tafalla.