Bianca Umali wagi sa ‘petmalu lodi’ challenge


MAY challenge sa Kambal, Karibal cast na ipinalabas sa official Facebook page ng GMA Drama kung saan kailangan nilang sabihin ang tunay na kahulugan ng mga binaligtad na salita gaya ng nauusong “petmalu” at “lodi.”

Nagpakitang-gilas ang ka-loveteam ni Miguel Tanfelix na si Bianca Umali dahil siya lang ang nakakuha ng lahat ng tamang sagot sa challenge!

Maging ang mga kapwa niya millennials ay talbog sa galing niya sa baligtad na mga salita. Nakakaaliw dahil bukod sa perfect score, wala siyang pass at napakabilis niyang sumagot. Petmalu ka talaga, Bianca!

Samantala, patuloy na tutukan ang mas umiinit pang mga petmalung tagpo sa Kambal Karibal gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Read more...