Vice Ganda: Pareho po kaming walang-wala noon ni Coco!

VICE GANDA AT COCO MARTIN

JUST because his movie “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” is showing sa MMFF alongside Coco Martin’s “Ang Panday” ay marami ang nag-akala na mayroong sigalot between Vice Ganda and Coco.

But Vice, with seeming vehemence, denied na merong away sa pagitan nila ni Coco. Mag-bestfriend ang dalawa na sabay halos sumikat. Nagsama pa sila sa isang MMFF movie na “Beauty And The Bestie” noon.

“Hindi po kami magkaaway,” Vice declared. “At saka, matagal na naming sinagot. Paulit-ulit lang din talaga kayong nagtatanong at gusto niyo yatang marinig sa amin na magkaaway po kami. Noon din ay sinagot na rin yan ni Coco na hindi kami magkaaway,” paliwanag ni Vice.

He even related na pareho silang masaya ni Coco sa nangyayari sa kanilang mga career dahil, “Pareho kaming walang pera noon, at gusto naming mangyari ito (makagawa ng maraming pelikula).”

“At ngayong nangyayari ito sa aming dalawa, masayang-masaya kami para sa aming dalawa,” Vice added.

Read more...