HABANG dini-discuss namin ni Papa Ahwel Paz sa programa naming “Mismo” sa DZMM ang isyu tungkol kina Daiana Meneses at Cong. Benjo Benaldo the other night, tumawag sa aming himpilan ang kongresista to comment on some details. Kasi nga, aaminin kong nagalit talaga ako sa ginawang pagbaligtad ng starlet na si Daiana sa mga nauna niyang posts sa Twitter and Instagram.
Marami ang nabuwisit nang biglang kumambiyo si Daiana sa mga previous statements niya lalo na ang ilang government sectors like DSWD, Gabriela and other NGOs na tutulong sana sa kaniya na wari’y humihingi ng urgent na saklolo sa pang-aabuso at paglabag sa kaniyang karapatan bilang tao.
Meron pa raw kasing ipinakitang sugat sa kaniyang kamay si Daiana habang naka-post ang mga salitang physical and emotional abuse, no to rape, etc.. Hindi man niya pinangalanan ang may gawa nito pero obvious sa salitang obvious na ang pinatutungkulan niya ay ang asawang si Cagayan de Oro Rep. Benjo Benaldo.
Sabi ko dapat sa katulad nitong si Daiana ay ma-deport dala ng pambubulabog sa kapuluan and last minute ay magba-back-out for whatever reason. Feeling kasi namin, these were sensitive issues para ipagwalang-bahala ng nasabing starlet. Sa ginawang interbyu raw kasi ni Daiana sa The Buzz, sinabi nitong hindi naman daw siya nanghihingi ng saklolo kahit kanino – hindi raw niya kailangan ng tulong ninuman – kaya raw siya nag-post ng ganoon ay para kunin ang atensiyon ng kaniyang asawang pulitiko who had been busy with the last campaign.
“The height of ka-cheapan naman iyan. Hindi ganoon ang dating ng kaniyang posts – it was calling for an urgent assistance from all of us. Nang mabasa ko ang posts niya, ang unang pumasok sa isipan ko ay awa – naawa ako sa kaniya kahit hindi siya Pinay dahil parang sinabi na rin niyang inabuso siya ng isang tao – was raped and hurt physically and emotionally.
“Kaya nagulat at nagalit din ako nang sabihin ni Daiana na wala siyang hinihinging tulong kaninuman. Di ba’t sinabi pa niya sa post niyang meron daw siyang witnesses pero were already paid to keep quiet. Meaning, meron talaga siyang pinagdadaanang ordeal. Huwag niya tayong paikutin dahil we weren’t born yesterday.
Kung hindi ito malaking gimik para pag-usapan silang mag-asawa, ito’y maliwanag na pang-eechos sa atin. Kaya tama lang na pauwiin na iyan sa Brazil at doon siya magkalat,” anang isang nairitang kausap namin na nakasubaybay sa isyu.”There is no reason for Daiana to get deported. She has not committed any crime against our country.
Hindi siya lumabag ng batas natin kaya dapat mag-ingat ang mga taga-media sa pagsulat o pag-broadcast ng anything below the belt at mapipilitan kaming kasuhan ang sinumang gagawa nito. Naaawa ako sa asawa ko, she’s so worried, she’s so hurt. Yung pinost niya ay kasama sa mga advocacy niya noon pa man.
She is a very sweet woman, very kind-hearted and very beautiful. I will do everything in my capacity to protect her because she is my wife,” more or less na sinabi ni Cong. Benjo when he called our station.Mahusay magsalita si Cong. Benaldo, showed breeding and class though maraming butas ang mga katwiran niya.
Iginagalang daw niya ang opinyon ng kahit sino tungkol sa isyung ito – iginagalang niya ang mga taong nagagalit sa kanila – the same way na umaapela siya sa sambayanan na igalang din ang posisyon nilang mag-asawa. Na wala raw intensiyon si Daiana na guluhin ang mga buhay natin, it was a domestic problem daw nilang mag-asawa na na-blown out of proportion.
Nabitin kami sa panayam naming iyon kay Cong. Benaldo. Hindi namin nausisa sa kaniya kung ano yung tungkol sa sugat na iyon sa kamay ni Daiana – sino ba ang may gawa noon kung pareho nilang sinasabing they’ve never been violent with each other. Hindi rin namin siya natanong tungkol sa pinost ni Daiana of certain witnesses niya na nabayaran na para manahimik.
Meron kaming feeling kasi na either gumigimik lang ang mag-asawa para ma-hit ang headlines or if not, inayos ni Cong. Benaldo ang asawa para hindi siya malagay sa hot waters. Kasi nga, kung hindi totoo ang sinabing iyon ni Daiana sa Twitter at Instgram accounts niya, paano natanggap ni Cong. Benaldo ang mga kasiraan sa kaniyang pagkatao of Daiana’s first claims of him? How did he handle that? Payag ba siyang basta-basta na lang nawasak ang kaniyang pagkato sa mata ng publiko?
“Wala sa akin iyon, kilala namin ni Daiana ang isa’t isa. Ako? Kaya ko anuman ang ibato nila sa akin dahil mas marami naman ang nakakilala sa totoong pagkatao ko. Ang inaalala ko lang ay ang asawa ko na masyadong nasaktan sa mga bashers niya. Kahit kailan ay hindi ko sinaktan si Daiana, mahal ko siya.
Kung meron man kaming problemang dalawa, which is but natural to every couple, bago kami matulog ay sinisiguro naming niri-resolve muna namin. Kaya every now and then ay minu-monitor namin ang bawat lumalabas na paninira sa amin, especially kay Daiana dahil pag meron kaming hindi nagustuhan, we will be filing libel charge,” ani Cong. Benjo Benaldo.
Nakakaloka, di ba? Sinimulan nila ang gulo tapos tayo ngayon ang nalalagay sa alanganin. Chances are, makakasuhan pa ang sinumang taga-media na sasalungat sa kanilang gusto. Oh di sige, wait na lang tayo ng further development on this.
Sino kaya sa mga taga-media ang makakatikim ng matinding laban against this odd couple? By the way, ano na pala ang nangyari sa tax evasion case ni Daiana Meneses before? Naayos na ba ito? Wala lang, naalala ko lang. Just asking ha. Walang malice.