PARANG kapatid lang ni Lovi Poe sa hitsura ang kanyang ina na si Rowena Moran noong ma-meet namin sa launching ng Love Affair perfume niya for Bench last Sunday. Pwedeng-pwede pa rin ang looks niya sa showbiz. Kaya lang mukhang ‘di naman type ng mommy ni Lovi ang magbalik sa pag-arte.
Tama na raw ‘yung una at huling paglabas niya sa movie ni Da King Fernando Poe, .Jr na “Kapag Puno Na Ang Salop” noong 1987. Tantya ni Rowena, 24 lang siya noong ginawa niya ang movie with FPJ. At pagkatapos quiet na lang siya habang pinapalaki si Lovi.
Proud and happy naman si Rowena sa naging takbo ng career ng anak. Bilang suporta sa anak, nangako siya na dadalo sa launching ng bagong endorsement ni Lovi. “I thought, it’s just an ordinary affair or just an event. I didn’t think it’s a big one. I love the press. It’s just that, you know, I’m very thankful because you’re supporting Lovi,” lahad niya.
Tutol sa simula pa lang si Rowena sa pagpasok sa showbiz ni Lovi dahil mahusay daw ang sexy star sa pag-aaral niya at aktibo sa eskwelahan nila. Dream ni Rowena na matapos ni Lovi ang kurso nito na Psychology. “But she really wanted to go back to school kaya lang the problem is her busy schedule. Her schedule is full. Wala, e,” panghihinayang ni Rowena.
Although, umaasa pa rin siya na makakapagtapos sa college ang kanyang anak dahil ‘yun daw ang pangarap ni Lovi at pangako niya sa kanyang yumaong ama. Kampante naman daw si Rowena sa isyu kay Lovi at Grace Poe-Llamanzares during the campaign last election, “I’m not worried about it because I know what’s the truth, e. I know, they’re very close, they’re okay,” pagbubunyag ni Rowena.
Pero sila ni Grace, ‘di pa raw pormal na nagkakakilala, “Not yet, but sometimes they (Lovi and Grace) go out for lunch, nagla-lunch sila,” tsika niya. Sabi namin kay Rowena, since tumakbo rin si FPJ bago namatay at ngayon naman ay Senador na si Grace, ‘di malayong pasukin din ni Lovi ang politika someday, “Oh, my, that’s scary!”
Last question namin kay Rowena kung ano ang ipinamana ni Da King kay Lovi. Matamis na ngiti muna ang ibinigay niya sa amin and then very graceful na nag-beg off siya na sagutin ang aming tanong.
Sakto naman after our last question kay Rowena Moran bumalik na ulit si Lovi sa stage for autograph signing sa mga bumili na ng kanyang ine-endorse na pabango. Pinabulaanan niya ang sinabi ng mom niya na pagdating sa lovelife, e, inililihim niya ito sa ina.
“Akala niya lang yun. Siyempre, wala lang,” kasunod ang tawa ni Lovi. “My mom knows a lot of things about me. Siguro ngayon, wala lang.” Then, sumingit kami ng tanong kay Lovi kung dinalaw na ba niya ang puntod ng kanyang ama na si FPJ that day sa sakto namang Father’s day, “I’m gonna visit tonight” sagot niya.
Hirit ulit kami ng isa pang tanong kung ano ang sasabihin niya sa harap ng puntod ng daddy niya once na puntahan niya, “Magti-thank you ako dahil dito. Feeling ko, timing na timing talaga siya, na my dad’s here with me, watching me do this,” emosyonal na sabi ni Lovi.
Rebelasyon naman ang sinabi ng mommy niya na nagkakasama sila for lunch ng ate niya na si Grace Poe-Llamanzares, “Nagko-communicate kami ni Ate Grace. Pati ang anak niya, si Brian. I’m so proud of Ate Grace talaga,” pahayag pa ni Lovi.
Anyway, itinangging lahat ni Lovi ang mga lalaking inili-link sa kanya magmula sa ex-BF niya na si Ronald Singson, kay Jake Cuenca hanggang sa bagong elect na Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte. Pareho lang daw niyang kaibigan sina Jake at Gov. Migz.
And as for Ronald na bumabalik daw sa kanya, hindi raw niya alam. Pa-date-date lang daw sila pero hanggang ganoon lang daw ‘yun. She just want to enjoy her life first sabi ni Lovi. “I want to have a love affair, in a perfume,” segue sa kanyang bagong endorsement.