Bato may bagong posisyon na naghihintay sa Enero; itinalagang BuCor Chief

HINDI pa man din tuluyang nakapagreretiro bilang hepe ng National Police, binigyan na ni Pangulong Duterte ng bagong posisyon si Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Itinalaga si dela Rosa bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).

“‘Yung sa Muntinlupa,” sabi ni Duterte nang tanungin kung saan ililipat si dela Rosa kapag nagretiro na ito bilang hepe ng PNP sa Enero 2018.

Walang tumatagal na chief ng BuCor sa harap naman ng alegasyon na patuloy na namamayagpag ang ilegal na droga sa loob ng Bilibid.

Read more...