Bagyong Urduja magla-landfall sa Sabado; nakaamba sa Visayas, Bicol at Caraga

Inaasahang magla-landfall ang bagyong Urduja sa Sabado, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.
Ayon sa PAGASA posible ring umakyat sa kategoryang tropical storm mula sa tropical depression ang bagyo sa susunod na 36 na oras.
Katamtaman hanggang sa malakas na pagbuhos ng ulan ang mararanasan sa look ng 300 diametro mula sa mata ng bagyo.
Magdadala ng pag-ulan ang bagyo sa Visayas, Bicol Region at Caraga.
Miyerkules ng umaga ang bagyo ay nasa layong 415 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Surigao del Sur.  May hangin ito na umaabot ang bilis sa 55 kilometro at pagbugsong 65 kilometro.
Umuusad ito sa bilis na anim na kilometro pahilaga-hilagang kanluran.
Huwebes ng umaga, ang bagyo ay inaasahang nasa layong 415 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Read more...