SINABI ni Pangulong Duterte na tuloy pa rin ang implementasyon ng jeepney modernization program na naglalayong i-phase out ang mga jeepney na may edad na 15 taon.
“Hindi ako nagpapadala ng mga demonstration-demonstration, for all I care. Itong [inaudible] itong Left. Itong bagong modernization,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Malacanang.
Ito’y sa harap ng patuloy na pagtutol ng mga transport groups na ipatupad ang phase out ng mga jeepney sa bansa.
“Look, guys. We all know that we’re really being killed almost everyday slowly. Kita mo naman fumes sa — and you should see Manila at sunset. Makita mo. It’s not a mist actually. It’s very hot today. But makita mo ‘yang mist, it’s almost floating over the city,” dagdag ni Duterte.
May mensahe pa si Duterte sa Piston.
“Those are fumes, Carbon Dioxide and all. Ngayong itong mga ‘to, itong Piston and… Hindi raw sila magsunod. Ganito raw. Sabi ko, Sige. Subukan natin. Because I’m preparing the Armed Forces and the Police to buy rubber bullets, prepare for their and…
Sige, hilain ko talaga kayo, including the… I don’t care if we go into a turmoil. That is what I like [inaudible] in a turmoil. Talagang guguyurin ko ‘yang mga sasakyan ninyo. The law is the law is the law,” ayon pa kay Duterte.