Ai Ai, Gerald mag-asawa na; mga bisita nagtawanan

IKINASAL na kaninang umaga sina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan sa Christ The King Church Green Meadows, Quezon City. Hinatid ang groom ng kanyang mga magulang habang solong naglakad si Ai Ai patungo sa altar.

Hindi pa rin mapigilan ng Comedy Queen ang pagpapatawa habang ginaganap ang seremonya. Tawanan ang lahat ng nasa church nang sagutin ni Ai Ai ng malutong na, “Yes, super I do, Father!” ang tanong ng pari kung tinatanggap ba niya bilang asawa si Gerald.

Muling nagtawanan ang mga bisita nang magbiro uli si Ai Ai nang isuot na nila ni Gerald sa isa’t isa ang kanilang wedding ring. Hirit ni Ms. A, “Hindi yata kasya. Mali yata ang in-order natin!”

Kabilang sa principal sponsors sina former Vice-President Jejomar Binay, Sen. Richard Gordon, Atty. Felipe Gozon, GMA executive Marivin Arayata, Lolit Solis at APT Entertainment boss Tony Tuviera.

Hindi nakarating sa simbahan ang iba pang principal sponsors tulad nina Rep. Vilma Santos-Recto, Boy Abunda, Willie Revillame at Cristy Fermin.

Present din sa kasal nina Ai Ai at Gerald ang mga secondary sponsors na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Vic Sotto at Pauleen Luna, Randy Santiago at Marilou Coronel, Piolo Pascual, Eugene Domingo, Pops Fernandez, Jose Manalo, Barbie Forteza, Valeen Montenegro, Jerald Napoles.

Bestman naman si Alden Richards.

Read more...