Naganap ang sunog pasado alas-8 ng umaga sa Brgy. 1 Poblacion, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police.
Unang nagliyab ang bahay ni William Balauro nang mabagsakan ng poste ng Negros Occidental Electric Cooperative, at kumalat ang apoy sa bahay ni Nimpa Limsiaco, ayon sa ulat.
Walang naiulat na nasawi o nasugatan, pero umabot sa 1st alarm ang sunog at nagdulot ng di bababa sa P240,000 halaga ng pinsala sa ari-arian, ayon sa pulisya.
Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng pagbagsak ng poste ng kuryente.
MOST READ
LATEST STORIES