Horoscope, December 14, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming salapi ang darating, kaya lang kapag hindi mo iningatan mauubos din ito. Ngayon pa lang isaisip na hindi dapat ubusin ang pera para sa magarbong handaan sa pasko. Mas mainam pa rin ang may ipon upang mas maging masaya ka.  Mapalad ang 3, 18, 24, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Fitel-Omni-Mantel.” Red at lilac ang buenas.   

Aries – (Marso 21-April 19) – Sa pinansyal at pag-ibig, habang lumapit ang kapaskuhan lalong sasaya ang bawat araw kaya lang padagdag ng padagdag ang gastos. Wag labis na magpatangay sa Holiday Season, kailangang pa ring laging mag tipid. Mapalad ang 3, 15, 18, 23, 27, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) –  Marahil ito na ang panahon upang magsimula ka ng magsikap ngayon upang yumaman. Sa pag-ibig, laging pagbigyan ang kasuyo upang sipagin siya at nang mas madaling umunlad ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Manu-Om.” Gray at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) –  Sa pag-ibig at pinansyal, sa pagmamadali ka liligaya at magtatagumpay. Mentras nagmamadali mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang makakamit. Mapalad ang 5, 14, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Iwasan ang labis na pagtulong sa kaibigan, sa bandang huli kung sino pa ang pinapautang sila pa ang maninira sa iyo. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pagkatiwalaan – ang kasuyong Virgo. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Blue at red ang bueans.  

Leo – (July 23 – August 22) –  “Apoy” ang iyong elemento. Sa darating na Simbang Gabi, magluto ng bibingka, puto bubong at iba pang mga pagkaing pampasko. Iyan ang click na negosyo para sa iyo! Sa pag-ibig, gawing taga-tikim ang kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 12, 15, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Sa pinansyal, magtipid at magsavings upang wag agad maubos ang pera. Sa pag-ibig, wag magpa-impluwensiya sa maluhong pamumuhay ng kasuyo. Tandaang higit na mahalaga ang pera kaysa sa pag-ibig. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Purple at magenta ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, palaguin ang salapi sa pamamagitan ng negosyong may kaugnayan sa pagkain, pang-regalo at pang-dekorasyon. Sa pag-ibig at salapi mapalad ka sa mga taong may birth date na 5, 14, 23, 6, 15, 24, 9, 18, at 27. Mapalad ang 5, 9, 18, 23, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Babanam-Kebalam.” Purple at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Panahon na upang paunlarin ang kabuhayan, hindi ka dapat maging emosyonal. Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang hanap piliin ang isang Capricorn. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Green at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) –  Simulan ang susunod na taong 2018 sa pagtitipid. Wag ubusin kaagad-agad ang pera, mag-savings upang may madukot sa sandali ng kagipitan. Sa pag-ibig, paglaanan  ng pera ang pakikipag-date ngayong pasko sa kasuyong madaling bumigay. Mapalad ang 4, 10,  14, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastan-Om.” Brown at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) –  Sa pinansiyal, tularan ang langgam sinop-sinop lang ang pormula upang yumaman. Sa pag-ibig, kaunting pakiusap pa  mauuto mo na rin ang iyong kasuyo. Mapalad ang 9, 18, 23, 27, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Name-Om.” Beige at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo. Ipapahamak ka lang nila. Sa mga mababait at walang kibo ka makipag-transaksyon upang hindi ka ma-racket. Sa pag-ibig, piliin ang isang nilalang na tahimik at mahusay magdala ng damit. Mapalad ang 4, 10, 27, 38, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om.”  Violet at beige ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) –   Sundin ang mungkahi ng kasuyo. Hindi ka dapat na maging magastos. Wag tularan ang mga kapit-bahay na walang habas sa paggasta. Sa simpleng pamumuhay mas madali kayong yayaman at mas higit na magiging maligaya. Mapalad ang 2, 16, 20, 32, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Green at silver ang buenas.

Read more...