HALA gaano kaya katotoo na masama ang loob ng isang kilalang leading man sa produksyon ng kanyang pelikula dahil hinahayaan lang daw umano itong mag-promote mag-isa?
Ayon sa aming ka-Chismacker, kahit daw mayroong “investment” ang male star sa movie, trabaho pa rin daw ng produksyon na paigtingin ang promo nito lalo pa’t nakasali pa ito sa Metro Manila Film Festival.
Kumpara nga raw sa ibang entries this year na kaliwa’t kanan ang publicity at may update pa sa halos lahat ng klase ng social media, parang ayaw naman daw ipaalam sa moviegoing public ang entry na kasama ang kilalang leading man?
Kaya ang ending, sinasabing sigurado na raw na lalagpak sa panghuling puwesto ang pelikula ni kilalang aktor among the eight entries kung box-office results ang pag-uusapan. Sayang naman.
q q q
Maganda naman ang resulta ng power ng “word of mouth” mula sa mga nakapanood na ng dalawa sa MMFF 2017 Magic 8, ang “Deadma Walking” at “Ang Larawan” na nagkaroon na nga ng special screening last week.
Wala yata kaming nakausap na nakapanood na sa nasabing mga pelikula ang nagsabing uuwing luhaan ang mga taong nasa likod ng dalawang entry. Bukod sa magagaling ang mga artista, maganda rin ang pagkakagawa sa nasabing mga pelikula.
Well, personally speaking, naniniwala kami sa power of word of mouth. Kapag pinag-uusapan ito sa halos lahat ng major venues mula school, palengke, hanggang sa mga opisina at kahit sa simbahan, may tulong ito para ma-curious ang mga tao.
At kung totoong bongga ang obra, walang rason para hindi ito tangkilikin ng mga Pinoy simula sa Pasko.
Mukha ngang maa-achieve ng MMDA at MMFF ang target nilang makabawi this year at paabutin ng isang bilyon ang gross ng walong kalahok.
Basta kami, susubukan naming panoorin ang lahat ng entries beginning with pampamilya entries, na susundan ng aming personal bets, hanggang sa mga entries na hindi kami pipila ng mahaba. Ha-hahaha!