Kapatid ng  ex-justice na iniugnay kay Napoles itinalaga bilang CA justice

ITINALAGA ni Pangulong Duterte ang kapatid na lalaki ni dating Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong sa  Court of Appeals.

Papalit si  Atty. Walter S. Ong sa puwesto na binakante ni  Associate Justice Noel Tijam na nauna nang itinalaga sa Korte Suprema.

Nagtapos si Ong sa Ateneo School of Law.

Sinibak ng Korte Suprema ang kanyang kapatid noong 2014 matapos maugnay sa umano’y reyna ng pork barrel na si Janet Lim-Napoles.

Read more...