Lea galit na galit, sumingit sa pila minura

LEA SALONGA

“BEAST mode” ang international singer na si Lea Salonga kahapon.

Galit na galit at napamura pa ang award-winning singer-actress dahil sa isang taong sumingit sa pila.

Hindi siya pinangalanan ni Lea at wala rin itong ibinigay na lugar kung saan ito naganap.

Pero ang paniwala ng marami, posibleng nangyari ito sa airport dahil nakatakda raw lumipad papuntang New York, USA si Lea.

Unang aria ng singer, “No, you cannot cut ahead of people in line, idiot!!!!!!!!!”

Sinundan pa ito ng tweet na, “Sneaky pa si gago. Inching his way to the front of the line, ahead of a few older ladies. Matisod ka sana.”

Read more...