Halos magkakasunod na araw silang nag-iskedyul ng pakikipagchikahan sa ilang members ng entertainment before Christmas.
Unlike those other politicians na “kilala” lang ang sector na ito during elections, ang mga nabanggit na opisyal, lalo na si Yul na active pa rin sa showbiz, ay talaga namang nakakausap, nakakabiruan at nakaka-selfie ng mga kasama natin sa hanapbuhay.
Sa loob ng isang taon, may mga iskedyul sila nang mga kani-kaniya nilang adbokasiya, programa at tulong, na sinasaksihan ng karamihan sa amin sa media. Totoong makisama, totoong nagtatrabaho at talagang tumutulong sa nangangailangan.
q q q
Kaugnay nito, malapit na palang makapasa bilang batas ang isinusulong ni Cong. Atienza na panukalang bigyan ng libreng tax ang paggawa ng pelikula for five years.
“Konting hearing na lang sa plenaryo, papasa na,” kuwento ng party-list representative na Buhay, na ang main advocacy ay pangalagaan at proteksyunan ang mga basic institutions ng bansa gaya ng pamilya, kasal, isyu ng mga kabataan at iba pang nakakaapekto rito.
“Kaya huwag kayong magagalit sa aking mga taga-showbiz na members ng LGBT kung hindi ninyo ako maaasahan sa pagsulong ng bills tungkol sa same sex marriage, divorce, abortion, paggamit ng marijuana bilang prescribed medicine o iba pang isyu. I am not against it, but I am for the protection of the sanctitiy of our institutions like family and marriage,” ayon sa politiko na napapanood pa rin sa weekly drama anthology sa GMA na Maynila.
q q q
Very positive naman si Sec. Mark Villar na kahit paano ay masosolusyunan din ng gobyerno ang traffic sa bansa.
Sa isang video presentation na i-binahagi nito during the Christmas lunch with the press, positibo ang DPWH Secretary na by 2020 ay maiibsan na ang matinding problema sa traffic lalo na sa Metro Manila.
q q q
Need we say more for Cong. Yul Servo na kahit very active pa rin sa showbiz ay nagagawa pa rin ang kanyang mga obligasyon sa distrito niya sa Manila.
Binanggit ni Yul na isa sa mga iniidolo niya pagdating sa pagiging aktor at politiko ay si Cong. Vilma Santos-Recto.
“Magaling siyang magpaliwanag at maglatag ng solusyon sa mga problema.
“Mas nae-enjoy ko ang mga gawain ko sa kongreso dahil gaya sa TV at pelikula na may script o direktor, may mga tulad ni Ate Vi at iba pang kaibigan kong nasa House na very open at willing mag-share ng mga karanasan nila sa governance at suportahan ang mga advocacy namin para sa mga tao,” ani Cong. Yul.