Paolo winner uli sa panggagaya kina Miss Colombia at Jamaica

PAOLO BALLESTEROS BILANG MISS COLOMBIA AT MISS JAMAICA

PAMISTERYO ang drama ni Paolo Ballesteros sa bago niyang make up transformation kahapon.

Pabuhok muna ang kanyang pasilip nu’ng simula.

Hanggang sa lumantad ang transformation niya bilang si Laura ng Colombia, huh!

Take note na hindi lang si Miss Colombia ang ginaya ni Paolo, meron din siyang make up transformation ni Miss Jamaica bilang si Divina Bennett with matching afro hair!

Kung napa-wow ang unang ginaya ni Pochoy na Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel-Peters, wag magtaka kung saluduhan din siya nina Misses Colombia at Jamaica sa panggagayang ginawa niya sa dalawang runners up ng Miss U 2017.

Medyo pahinga na muna ngayon si Paolo sa lagareng trabaho dahil tapos na ang sabay-sabay na pelikulang ginawa niya these past months.

Kaya sa ngayon, tutok muna siya sa Sugod Bahay ng Eat Bulaga kasama sina Wally Bayola at Jose Manalo, plus Alden Richards.

Read more...