Ai Ai feeling haggard bago pakasal kay Gerald

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

HAGGARD ang feeling ni Ai Ai delas Alas nang alamin namin ang nararamdaman kahapon, isang araw bago ang kasal nila today ni Gerald Sibayan.

Kahit dalawang beses nang ikinasal, ngayon lang makakatikim ng church wedding ang Comedy Queen kaya siguro inaatake na siya ng matinding nerbiyos.

At kahit may mga kumokontra sa desisyon ni Ai Ai, naniniwala siyang si Gerald ang kanyang forever kaya gagawin niya ang lahat para mag-work ang married life nila ng kanyang magiging husband!

Ngayong umaga ang kasal nina Ai at Ge sa isang simbahan sa Q.C.

Siyempre, star-studded ang line up ng guests na pangungunahan ng ninang niyang si Cong. Vilma Santos-Recto at Matron of Honor na si Sharon Cuneta.

Best wishes, Ai and Ge!

Read more...