Army truck nabangin; 2 kawal patay, 9 sugatan

Dalawang sundalo ang nasawi at siyam pa ang nasugatan nang mahulog ang sinakyan nilang trak sa bangin sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, iniulat ng militar Lunes.
Naganap ang aksidente habang nililikas ng mga kawal ang ilang kasamahang nasugatan sa pakikipagsagupa sa mga rebeldeng komunista noong Biyernes, sabi ni Maj. Richard Enciso, acting public affairs officer ng Army 1st Infantry Division.
Naganap ang insidente pasado alas-10 ng gabi Biyernes, sa Brgy. Lourdes.
Nasawi sina Ssgt. Celerino Objero at Ssgt. Isgerie Papolonias, kapwa ng 53rd Infantry Battalion.
Sugatan naman sina Pvt. George Bajo, Cpl. Darryl Banares, Cpl. Rodrigo Castillo, Cpl. Melvin Colobong, Pfc. Jayson de Guzman, Sgt. Benjakar Kasim, Sgt. Roberto Rojas Francisco, Cpl. Crisaldo Tan, at Romelson Tasa, ng Civilian Active Auxiliary.
Nagpaabot si Brig. Gen. Roseller Murillo, commander ng 1st ID, ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing kawal.
“Rest assured that benefits will be given to bereaved families and the wounded soldiers will be taken care of,” aniya.

Read more...