Kathryn, Daniel naghasik ng ‘kaguluhan’ sa social media

INABANGAN talaga ng mga sumusubaybay ng fantaseryeng La Luna Sangre ang paglabas ng kapangyarihan ng karakter ni Kathryn Bernardo bilang si Malia noong Martes (Dec. 5).

Kasabay ng pagiging lobo ni Malia, pumalo naman ang programa sa all-time high national TV rating at trending pa sa Twitter worldwide.

Nagtala ang LLS ng national TV rating na 38.5% mula sa pinagsamang urban at rural homes, o higit sa doble ng rating ng katapat nitong palabas na nakakuha ng 15.3%, ayon sa datos mula sa Kantar Media.

Tanghali pa lang, tila hindi na mapakali ang netizens sa mangyayaring pagbabago kay Malia at kalaunan ay nag-trending pa sa Twitter ang hashtag nitong #LLSItIsTime sa buong mundo.

Puro papuri ang nabasa namin mula sa netizens dahil sa mahusay ng pag-arte nina Kathryn at Daniel pati na rin sa magandang visual effects ng transformation ni Malia.

“Mata niyo pa lang pamatay na, may action scenes pa. Ang galing galing niyo, @bernardokath @imdanielpadilla! Palagi ko kayong ipagmamalaki at patuloy na pasasalamatan sa pagbibigay niyo ng best ninyo.
“Mahal ko kayo will forever be proud & thankful to you two for always doing your best to give us, your fans and the viewers something worth watching. Luv u both, always,” ayon pa sa Twitter user na si @miamorkathryn.

Para kay @kataydall, “Ibibigay ko ‘tong episode kay Kathryn. Isa siyang versatile actress. Tingin ko pang acting award ito. Ilalaban ko ‘to.”

Mas umiinit pa ang mga eksena sa La Luna Sangre dahil bukod sa paglabas ng kapangyarihan ni Malia, lumabas din ang marka ng sumpang tinta sa katawan ni Tristan (Daniel). Lumalabas na magkapatid pala sina Tristan at Sandrino. At ano kaya ang magiging epekto nito sa relasyon nina Malia at Tristan?

Huwag palampasin ang mas pinabagsik na La Luna Sangre pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Read more...