Bossing kay Maine: Ayokong mag-judge…irerespeto ko ang magiging desisyon

HANGGANG ngayon ay wala pang kasiguruhan kung babalik pa ba si Maine Mendoza sa Eat Bulaga at kung magtutuluy-tuloy pa rin ang tambalan nila ni Alden Richards sa telebis-yon at pelikula.

Nasa Amerika ngayon ang Dubsmash Queen at balitang doon na siya magse-celebrate ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya. Ito’y ma-tapos nga siyang maglabas ng open letter kung saan diretso na niyang inamin na magkaibigan lang sila ni Alden at walang namama-gitan sa kanila bukod sa pagiging magka-loveteam.

Sa nakaraang presscon ng 2017 MMFF entry na “Meant To Beh” tinanong si Vic Sotto tungkol sa pinagdadaanan ni Maine. Medyo may hugot ang naging tugon ng TV host-comedian.

“I’m trying,” panimula ni Vic. “I’ve been in the business, and I’ve been in the business for so many years. Kapag mahal mo ang ginagawa mo, kahit anong pagdaanan mo, e, kakayanin mo.

“We cannot judge. We cannot judge anyone for that matter. Me, I cannot judge. Basta ako, nirerespeto ko kung anuman ang maging desisyon niya.

“Wala naman kasi akong social media kaya hindi ko alam ang nangyayari, e. Nakiki-update lang ako kay Pauleen (Luna, asawa niya),” aniya pa.

Ipinagdiinan din ni Vic na pang-forever na ang AlDun loveteam, “Wala namang makakabuwag du’n.

AlDub is AlDub. Bakit, yung Guy & Pip ba, kinalimutan niyo na? Hindi, hindi naman. Nandiyan na yun, for-ever na nandiyan na yun. Nakatatak na sa mga puso natin. Hindi na mawawala yun.”

 

Read more...