Di pa matiyak ang pagkakakilanlan ng mga nasawi’t nasugatan, pero 44 estudyante ng Rizal University System sa Morong ang sakay ng bus, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police.
Ang mga estudyante’y pawang mga kalahok sa Southern Tagalog Regional Association of State Colleges and Universities (STRATUC) Olympics na gaganapin sa bayan ng San Jose, aniya.
Naganap ang insidente dakong alas-6:30, sa Sitio Bunga, Brgy. Nicolas.
Dumadaan sa naturang lugar ang 44 estudyante sakay ng bus (RNJ-324) ng Charm Travel and Tour, habang nasa unahan ang 19 pang miyembro ng kanilang delegasyon sakay ng coaster (SAA-8392), ani Tolentino.
Habang nasa palusong na bahagi ng kalsda, bigla umanong nagloko ang preno ng bus at nanganib na mabundol ang coaster, ani Tolentino.
Dahil doo’y kinabig pakaliwa ng driver ang bus, pero nahulog ito sa malalim na kanal, aniya.
Nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Magsaysay Police, Provincial Mobile Force Company, Bureau of Fire Protection, pati ang municipal at provincial disaster risk reduction and management offices nang matunugan ang insidente.
Sa 23 nasugatan, 15 pa ang nilalapatan ng lunas sa San Jose District Hospital, Linggo ng umaga, ani Tolentino.
MOST READ
LATEST STORIES