Sinabi ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy na makatutulong ito sa mga motorista sa halip magbantay sa kung mayroong nakaparadang aalis na.
“Such apps can significantly lessen time wasted looking for parking slots, ease traffic congestion at and around parking facilities, and notify parking security of suspicious situations and medical emergencies,” ani Dy.
Bukod sa malls, maaari rin umanong gumawa ng ganitong apps ang mga ospital at school campus.
Inihain ni Dy ang Car Park Security Act (House bill 2263) at kasama sa laman nito ang parking apps.
Ayon kay Dy bagamat gumastos ang mga may-ari ng mall sa pagpapatayo ng parking, hindi umano nangangahulugan na dapat silang maningil ng malaki dahil ang kalimitang pumaparada rito ay kanilang mga kustomer na kanila ring pinagkakakitaan.
“While we recognize that it does cost the malls tens of millions to building parking structures, those facilities are auxiliary to the mall areas and contribute to bringing revenue to the whole shopping complex, while securing the safety of customers. So while it may be impossible to provide free parking, fees for use of the facilities should be affordable and reasonable.”
Ang mga itatayong mall ay dapat umanong may kaakibat na plano para sa isang intermodal parking para maaari ring pumarada roon ang mga pampublikong sasakyan.
“Cities and towns with malls within their jurisdictions or soon-to-be-built therein would be wise to encourage or require the mall developers to incorporate multi-modal transport terminals so that tricycles, jeepneys, buses, and private vehicles do not cause traffic congestion on roads leading to and from the malls.”
MOST READ
LATEST STORIES