Pauleen kinuhang ninang ni Pia sa binyag ng ikalawang anak

NINANG si Pauleen Luna sa binyag ng anak ni Pia Guanio na si Brooklyn. Kahapon ginanap ang binyag sa second baby ni Pia at bukod kay Poleng, ninang din ang soon to be mom na si Isabelle Daza.

Sa pagkaka-alam namin, ngayong araw na ito ang binyag naman ng anak nina Pauleen at Vic Sotto na si Baby Thali. Sampu lang ang alam naming ninong at ninang ni Baby Thali. Sa paboritong Catholic church sa may Alabang magaganap ang binyagan.

Take note na kahit naging ex ni Bossing si Pia, walang isyu ‘yon sa kanila ni Puleeen dahil malapit sila sa isa’t isa hanggang ngayon.

Read more...