Charo, Piolo, Anne, Sharon pasok na sa Anak TV Makabata Hall of Fame

UMANI ng 63 Anak TV awards ang ABS-CBN para sa child-friendly na mga programa at mga respetadong Kapamilya stars, kabilang na ang apat na Kapamilya stars na pasok sa prestihiyosong Anak TV Makabata Hall of Fame.

Kabilang sa Makabata Hall of Fame sina ABS-CBN chief content officer at Maalaala Mo Kaya host Charo Santos-Concio, Piolo Pascual, Anne Curtis, at Sharon Cuneta pagkatapos silang iboto bilang Makabata Stars sa loob ng pitong taon.

Male and Female Makabata Stars naman sina Bea Alonzo, Noli de Castro, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Julia Barretto, Daniel Padilla, Lea Salonga, Robi Domingo, Julia Montes, Joshua Garcia, Ian Veneracion, Anthony Taberna, Sylvia Sanchez, Susan Roces, Yassi Pressman at Pia Wurtzbach.

Samantala, nakamit din ng iba pang hit ABS-CBN shows ang Anak TV Seal kabilang na ang A Love to Last, Be My Lady, FPJ’s Ang Probinsyano, Home Sweetie Home, Langit Lupa, Maalala Mo Kaya, Magandang Buhay, Matanglawin, My Dear Heart, Oyayi, Salamat Dok, Superbook, The Greatest Love, Umagang Kay Ganda, Wansapanataym at Your Face Sounds Familiar Kids.

Napabilang din ang FPJ’s Ang Probinsyano, La Luna Sangre, Maalala Mo Kaya, It’s Showtime, Matanglawin at TV Patrol sa listahan ng top 10 household favorite TV programs sa buong bansa.

Pinarangalan din ang mga programa mula sa ABS-CBN Regional ng Anak TV Seal tulad ng TV Patrol Negros (Bacolod), TV Patrol North Central Luzon, TV Patrol Northern Luzon (Baguio), Agri Tayo Dito, Bagong Umaga, Bagong Balita, Bagong Umaga, Sabado Na! Kapamilya Mas Winner Ka (Bacolod), Kapamilya Mas Winner Ka (Cebu), Kapamilya Mas Winner Ka (Davao), Maayong Buntag Kapamilya (Cebu), Maayong Buntag Mindanao, Mag TV De Aton Este (Zamboanga), Mag TV Na (Cebu), Mag TV Na, Magnegosyo Ta (Davao),” “Mag TV Na Amiga (Bacolod), Mag TV Na Atin To (Baguio), Mag TV Na Oragon, Magandang Umaga South Central Mindanao, Marhay Na Aga Kapamilya, Naimbag nga Morning Kapamilya (Baguio) at Salandigan (Bacolod).

Pinili ang Anak TV Seal awardees ng mga hurado na kinabibilangan ng mga magulang, guro, NGOs, at ibang sektor ng telebisyon. Ginagawad ang Anak TV Seal ng Anak TV Foundation, isang organisasyon na layuning palawakin ang “television literacy” at “child-sensitive and family-friendly television” sa bansa.

 

Read more...