Vice pasimpleng tumutulong sa MMFF entry ng 2 Hashtag member kahit magkalaban sa Pasko

PASIMPLENG tumutulong si Vice Ganda sa festival entry nina Hashtag members Jameson Blake at Jon Lucas, ang “Haunted Forest”. To think na magsasagupaan din ang entries nila simula sa Pasko.

Vocal din naman si Vice sa pagsasabing paborito niya sina Jameson at Jon dahil kasamahan niya ang mga ito sa kanyang noontime show. Pero wala raw halong malisya ‘yon.

Hindi naman masamang magsabi ng ganoon si Vice dahil halos araw-araw niyang kasama sa programa ang dalawa kaya naman anak-anakan na ang turing niya sa mga ito.

Nagsisimula pa lang ang career ng mga binata sa showbiz kaya gusto niyang ibahagi marahil ang pinagdaanan niya kina Jameson at Jon nu’ng panahong hindi pa malaki ang pangalan niya, huh!

Read more...