Horoscope, December 09, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon yakapin at bigyan ng mainit na halik ang minamahal. Sa pinansyal ngayong kapaskuhan makapal na bungkos ng salapi ang hindi inaasahang matatanggap. Mapalad ang 5, 8, 9, 44, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Traya-Om.” Red at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi dapat magwalang bahala sa mga problemang pang-pinansyal na dumarating sa inyong pamilya, gumawa na ng aksyon ngayon bago tuluyang lumala ang sitwasyon. Sa pag-ibig lalo pang mahalin ang kasuyong totoo namang nagmamalasakit sa iyo. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Maroon at gold ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Bawasan ang pagkain ng nakasasama sa kalusugan. Muling magpa-sexy upang muling maakit ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pinansyal, habang gumaganda ang hubog ng iyong katawan, dating at dating ang materyal na bagay. Mapalad ang 3, 18, 21, 33, 39 at 45, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mani-Padme-Om”. Pink at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa buwang ito ng Disyembre may bagong pagkakakitaang matutuklasan. Sa pag-ibig, isang tigang na nilalang ang magpapapasin sa iyo – sunggaban mo agad bago tuluyang makaalpas! Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhuvah-Om-Bhanah.” Red at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Makakamit ang tagumpay kung sariling diskarte ang aasahan. Sa pag-ibig, ikaw ang unang gumawa ng hakbang, upang muling uminit ang relasyon. Sa pinansyal, wag iasa sa iba ang pagyaman. Ikaw ang dapat gumawa ng paraan upang umunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 8, 16, 24, 34, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Sahana-Vavatu-Om.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Mag-ingat, may mangungutang na naman! Kung hindi siya matanggihan ¼ lang ng inuutang ang ibigay mo, upang hindi sumama ang loob mo kahit na hindi siya magbayad. Sa pag-ibig, basta’t ang kasuyong Aries ang kasama magiging okey ang lahat. Mapalad ang 2, 7, 21, 27, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Om.” Red at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Ngayong kapaskuhan patawarin ang mga taong sa iyo’y nagkasala. Sa ganyang paraan, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating. Sa pag-ibig, kalimutan na ang atraso ng kasuyo upang maging happy uli ang relasyon. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Orange at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa paskong darating pag-ibig ang susi upang limigaya. Sa negosyo, haluan ng pagmamahal ang serbisyo at produkto upang mas lalong lumakas ang benta. Sa pakikipag-relasyon, habang lumalamig ang panahon na mi-miss ka na ng iyong kasuyo, makipagkita sa kanya sa dati ninyong tagpuan. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Segura-Om.” Blue at brown ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya, madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, wag puro puso ang gamitin, gumamit din ng rason upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mahah-Jaya-Om.” Blue at silver ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Isang kasamahan ang mag-tsismis sa mga sinasabi mo. Wag gaanong magtitiwala sa mga kaibigan. Minsan sa halip na makisali sa tsismisan mas magandang makinig ka na lang. Sa pag-ibig, basta tahimik ka lang kusang darating ang true love. Mapalad ang 7, 13, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Taph-Harth-Harath.” Pink at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Kung napansin mong dating ng dating ang salapi wala kang dapat gawin kundi ipunin ito. Tandaan mong silang mas maraming pera ang mas makapangyarihan at mas maligaya dahil nabibili nila ang kahit anong gusto nila. Sa pag-ibig, hinihintay ka pa rin ng dati ng minahal na isang Taurus. Mapalad ang 4, 14, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Orange at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Laging magpasalamat sa Diyos, dahil sa kabila ng mabibigat na pagsubok na pinagdaaan, matatag ka pa rin, sumisipa pa, buhay at maligaya. Sa Simbang Gabing darating obligahin ang sarili na buuin ang misa upang kahit na papaano sa pag-ibig at pinasyal pagpapalin ka na ni Lord. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” White at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ituloy mo ang pagsisipag. Sa Holiday Season na ito mas marami sa iyong inaasahan ang iyong kikitaain. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo na wag na siyang kumontra, dahil ang ginagawa mo ay para sa kinabukasan ng inyong pamilya. Mapalad ang 4, 14, 23, 36, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nameh-Vah-Weh-Om-Padme-Om”. Magenta at white ang buenas.

Read more...