Mark Neumann na-shock sa ginawa ni Daniel sa taping ng ‘LLS’

SA unang dalawang linggo ni Mark Neumann sa action fantasy serye na La Luna Sangre parating wala siyang dayalogo bilang isa sa miyembro sa Moonchasers.

Pero ngayon ay marami ng linya ang dating talent ng TV5 at isa na siya sa lead support kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sabi nga ng manager ng binata na si Gio Medina nang makita namin sa premiere night ng “Kamandang Ng Droga” mula sa Viva Films nagbunga na nga paghihintay ng binata.

“Yeah, first walang lines. And then, dumadami naman ang dialogue ko. Tapos nakaeksena ko na ang KathNiel. Minsan, there was one time na pinasa sa akin ang script. Mas bagay raw sa character ko. Si Daniel mismo ang nagdesisyon. Mahaba ang lines. Sobrang haba po.

“I wasn’t ready. I think three pages siya and kailangan ko siyang i-memorize in 20 minutes. Nagawa ko naman. Tuluy-tuloy naman,” sabi ni Mark na ikinagulat din ang tiwalang ibinigay sa kanya ni DJ.

Bakit ipinasa sa kanya ni DJ ang linya? “Kasi, very passionate si Daniel sa kanyang character. Importante na alam ng isang aktor ang kanyang character. And explaining about medical terms, parang wala sa character niya.

Mas bagay sa character ko na may police background. It’s really good if an actor knows his character. Nako-control din niya ang performance niya nang maayos,” paliwanag ng binata.

Kaya naman nang tanungin di Mark kung anong komento niya sa KathNiel, “Napakabait po nila. And really chill lang sila sa set. Napaka-down to earth. Super masayang kausap. Tapos, nagtatawanan lang minsan between the takes,” saad ng aktor.

At dahil marami na silang eksenang magkakasama ay puwede na bang sabihing mas naging close na sila?

“Well, I wouldn’t say sobrang close. But we went through a lot of things actually, sa init ng araw pag may fight scenes, ganu’n,” sabi ni Mark.

As of now ay walang nobya si Mark dahil gusto niyang pagtuunan ng pansin ang seryeng La Luna Sangre. Maganda raw kasi ang natatanggap niyang mga feedback sa performance niya sa serye at ayaw niyang masira iyon.

“Focus po muna sa work. Bago lang ako rito (ABS-CBN), eh,” nakangiting sabi ni Mark.

Read more...