Miss PH wagi sa Miss Tourism International 2017


NANALONG Miss Tourism International 2017 ang pambato ng Pilipinas na si Jannie Loudette Alipo-on.

Ginanap ang coronation night ng nasabing beauty pageant sa Sunway Resort Hotel & Spa, Petaling Jaya, Malaysia nitong nakaraang Miyerkules.

Tinalbugan ni Jannie ang 47 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Thank you, Malaysia, for making my dream come true. It has been my dream to be crowned as a queen from the age of 18,” ang mensahe ng dalaga sa isang interview.

Read more...