Leila Alcasid napiling ‘December MYX Celebrity DJ’


MULA sa kanyang pagsusulat sa sariling blog, sasabak ang budding singer na si Leila Alcasid sa MYX bilang Celebrity VJ ngayong buwan ng Disyembre.

Higit pa sa pagiging anak ng OPM icon na si Ogie Alcasid sa dating asawa at beauty queen na si Michelle van Eimeren, ang 20-anyos na unti-unting nakikilala bilang next gen It girl ay nagsisimula na ring gumawa ng sarili niyang pangalan sa industriya habang hinahanda niya ang kauna-unahang studio album.

Ngayon, hinaharap naman niya ang hosting challenge sa iba’t ibang programa ng MYX tampok ang kasalukuyang sikat na Pinoy at international music.

Abangan si Leila bilang MYX Celebrity VJ sa “Pop MYX” hanggang Dis. 9, “Pinoy MYX” sa Dis. 10 hanggang 16, “Mellow MYX” sa Dis. 17 hanggang 23, at “My MYX” sa Dis. 24 hanggang 30. Mapapanood ang MYX sa Skycable channel 23.

Read more...